Saturday, January 15, 2005
I was deeply touched
I would like to share a letter from a friend. He wrote this when we were in college. We lost in touch when I started to work, but he will always be a friend.

Lui,

Hello! Thanks nga pala sa treat mo kanina...Nice Food...Saka...Thanks din po sa mga maraming bagay...Thanks din po sa pakikinig sa mga kwento ko at sa pagbibigay payo sa magulo kong pangkasalukuyang buhay...(magulo ba?)...Sa pagbibigay ng lakas-loob sa t'wing lumalagpak ako at feeling ko ay 353, 679 ft. below sea-level na ako at 1 inch na lang eh bibigay na ako...Parang sinasabi mong kaya ko pa...mababaw pa lang ang kinasasadlakan ko...kasi 7, 138, 694 ft. ang lalim ng dagat na kinalulubugan ko...wala pa ako sa kalahati.

Salamat kasi feeling ko...nakikinig ka naman sa'kin pag may sinasabi ako sa'yo...tungkol sa kahit ano...seryoso man o hindi...Lalo na pag humihingi ka rin ng payo...para kasing isa ka lang dun sa iilang naniniwala sa kin pag magsasalita ako...Yung iba kasi doubtful pa...sabagay...sino nga ba ang basta magtitiwala sa tulad kong maloko...Pero tingin ko isa ka sa mga nakakakilala kung sino ba talaga ako...inside and outside...kung kelan ako nagsasabi ng totoo...at nambabarbero lang..kasi...minsan..tingin pa lang getz mo na ako..(ice cream).

Salamat kasi...kahit ayaw mo sa ibang mga taong gusto ko eh friends pa rin tayo...Sa kabila ng pagtatalo natin tungkol sa kanila...eh...'di pa naman tayo humantong sa madugong usapan...Minsan nauubusan na ako ng sasabihin para ipagtanggol sila..pero paulit-ulit lang tayo...at sa kabila nito eh Ganado pa rin tayong kumain ng chichi sa Food Court...at ni minsan 'di kita naisipang batuhin ng chichiria sa mata...ngayon lang...kasi 150/150 ang vision mo pala...bottom line...galit ka pa rin sa kanila...

Salamat kasi pinagtatanggol mo 'ko lalo na kay Mavic...Si Mavic the martian na friend ni Millicent Kaye Abad na friend ni Princess Diana Mendoza na friend ni Ninay Badiday na Friend ni Nene na Kahawig ni Moreen Guesse...Salamat sa pag-bubuild up twing me bago tayong kakilala... isa kang talent center sa paningin ko...At co-artist ko sina Aira Seguerra, Moja-cko, Anselmo Noe na gumawa ng ark...Husay may pang little miss Philippines...cartoons...at siyempre flying house/superbook.

Salamat kasinasasakyan mo ang mga kalokohan ko at trip ko sa buhay...Kahit pa feeling ko eh minsan gusto mo na akong ibaon 137, 646 ft. below the ground sa twing ikaw na ang binabato ko ng mga joke ko...Salamat sa pag-iintindi sa akin kasi alam mo naman...oo nga at mataas ang IQ at EQ ko eh after 1 minute eh naglalapse agad ito...Salamat kasi naging magkaibigan tau kahit na noon eh muntik mo na akong hampasin ng paying sa di ko malamang kadahilanan kung bakit...

Nagpapasalamat,
Ian Avegail 13

*To Ian, Tol asan ka naman...Astig tau pare!

2:04 AM